40 sangkot sa flood control scam, makukulong na ngayong Nobyembre — Dizon
- BULGAR

- 9 hours ago
- 1 min read
by Info @News | November 13, 2025

Photo: DPWH / FB
Nasa 40 sangkot sa maanomalyang flood control projects ang maaari umanong makulong ngayong Nobyembre, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon.
“Hindi na maghihintay ng Disyembre. Ngayon lang November ay may makukulong na,” ayon kay Dizon.
Idinagdag din niya na, “Kung pagsasamahin natin ‘yung dalawang kasong ‘yun, 26 ‘yung sa Bulacan kasama na ‘yung mga Discaya doon at saka si [Henry] Alcantara etc. tapos 15 doon sa Mindoro kasama kay former congressman Zaldy Co at kumpanya niya, ay halos 40 tao ‘yan na makukulong doon sa dalawang kaso pa lang na ‘yun.”
Kasunod umano ito ng sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaaring i-file na ang mga criminal charges na may kaugnayan sa flood control scam ngayong linggo o sa susunod na linggo.
“So yun po ang nagbibigay sa atin ng pag-asa linggo na lang ang bibilangin natin o baka araw na lang ay may makakasuhan na. At dahil nga non-bailable itong mga kasong ito ay may makukulong na,” saad pa ni Dizon.








Comments