top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

4 yrs. nang nagsasama… LOVI, AYAW PA RING PAKASALAN NG BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 13, 2023




Nagkaharap na pala ang reel at real boyfriend ni Lovi Poe na sina Piolo Pascual at Monty Blencowe. Kilig na kilig daw si Lovi nu’ng sandaling ipakilala niya sa isa’t isa ang dalawa.


“Fan siya ng Flower of Evil. Kilig na kilig ako that day nu'ng mag-meet sila kasi sabi ko, ‘My reel, as in r-e-e-l, and my real-life love team, not bad. Sabi ko, ang suwerte ko naman (parehong guwapo), tapos tumatawa lang silang dalawa,” kinikilig na sabi ni Lovi.


At ang pagkakahawig daw ni Papa P kay Monty, “Funny silang dalawa.”


Si Piolo ang leading man ng aktres sa Flower of Evil na laging pinapanood daw ng boyfriend niya. Sayang nga at hindi ito nakadalaw ni minsan sa tapings ng nasabing drama series.


Habang isinusulat namin ito ay nandito pa sa bansa ang film producer boyfriend ni Lovi dahil siya ang pumunta ng Pilipinas para makasama ang dalaga nitong Holiday Seasons.


“Siya ‘yung pumunta this time kasi nga last time, sarado ‘yung border natin, hindi siya maka-travel. So, ako ‘yung nagta-travel doon. But this time, siya. Actually, nandito pa siya,” pahayag ng singer-actress.


Natanong din ang dalaga kung ano ang grand gesture na gusto niyang ginagawa sa kanya ni Monty.


“Parang the grand gesture for me is the normal thing. If we find beauty in ordinary, ‘yun talaga kasi, ‘yung ordinary would happen every day in our actual life, 'di ba? So, parang the little things that we shouldn’t take for granted on a daily basis talaga, ‘yun ang grand gestures for me,” paliwanag ni Lovi.


Nanghihinayang nga si Lovi dahil hindi mapapanood ni Monty ang pre-Valentine show na kasama siya nina Direk Bobot Mortiz, Christopher de Leon at FDCP Chairman Tirso Cruz III na may titulong Some Kind of Valentine: Unlimited Love, Music, and Laughter na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World sa Pebrero 3 (Biyernes) at Pebrero 4 (Sabado) produced ng Dreamwings Production Inc. mula sa direksiyon ni Alco Guerrero at musical director naman si Mel Villena.


Bukod sa mismong araw ng Valentine na Pebrero 14 ay hindi rin makakasama ni Lovi ang boyfriend sa mismong araw ng kaarawan niya, Pebrero 11.


“Hindi siya makakapanood kasi aalis na siya soon dahil may work siyang kailangang balikan,” sambit ng dalaga na sa kasalukuyan ay nasa apat na taon na ang relasyon kay Monty at long-distance relationship o LDR sila.


Inamin din ni Lovi na mahirap ang LDR pero nakakayanan naman daw nila.


“Hindi joke ang long distance (relasyon) and it works. I think nakakatulong ‘yung long distance na hindi namin binibigyan ng headache ang isa’t isa. Siyempre, hindi naman kami ‘yung tipong magpipigil kung ano ‘yung magbibigay ng rules, parang nasa sa ‘yo na ‘yan.


“It’s up to you and thankful ako na he respects me and I respect him, too, and ‘yun ‘yung pinakaimportante,” paglalarawan ng dalaga sa relasyon nila ni Monty.


Hindi pa raw nila napag-uusapan ang kasal, kaya wala pang plano lalo’t pareho silang abala sa kani-kanilang respective careers.


Samantala, inamin din ni Lovi na kaya madalas din siyang bumabalik sa ibang bansa ay dahil sa mga auditioning niya.


Film producer ang boyfriend ni Lovi pero hindi nila napag-uusapan na ipagpo-produce siya nito ng pelikula.


“Actually, not to produce my movie but we did venture together sa Celebi Production. ‘Yung Celebi Production is to bring Filipino talent abroad. So, I’m happy that he is passionate about our industry,” sagot ng aktres.


May proyekto na raw na niluluto sina Lovi at Monty at may mga ina-eye na silang artista na hindi pa binanggit kung sinu-sino, pero ang siniguro niya, ang direktor ay si Jerrold Tarog.


“Si Direk Jerrold kasi is very ambitious like me (natawa), so gusto ko ‘yun, ha, ha, ha!” sagot niya kung bakit ito ang kanyang napili.


Pero bago ulit umalis si Lovi patungong ibang bansa ay kailangan muna niyang simulan ang bagong seryeng FPJ’s Batang Quiapo kasama si Coco Martin na ang karakter niya ay ang role dati ni Maricel Soriano. Pero may mga babaguhin daw at iyon ang surprise kaya abangan.


Anyway, puring-puri naman ni Direk Bobot Mortiz si Lovi dahil sa napakagandang boses nito na talagang napapa-wow sila sa rehearsals nila para sa Some Kind of Valentine dahil sa edad nito ay puro old songs pala ang gusto ng aktres-singer.


“Dapat ituloy niya ‘yung singing career niya. Iba ang boses niya. Basta sana, mapanood ninyo ang show namin,” diin ni Direk Bobot.


Inamin naman ni Lovi na babalikan niya talaga ang pagkanta, at sa katunayan ay lumalabas na siya sa ASAP Natin 'To para iparinig ang kanyang magandang boses dahil ito naman talaga ang first love niya 16 years ago.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page