top of page

4 yrs. na sila ng GF… JAKE, DEDMA SA KUMALAT NA BUNTIS SI INAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 24, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 24, 2022


ree

Walang naging reaction at pahayag ang Kapuso actor na si Jake Vargas sa tsismis ng mga Marites na buntis ang GF niyang si Inah de Belen.


Four years na ang kanilang relasyon, pero hindi sila ganu’n ka-open sa social media pagdating sa kanilang love life. Low profile lang sila ni Inah at hindi post nang post ng kanilang mga sweet moments together.


Ganunpaman, nakikita naman ng lahat na loyal si Jake Vargas kay Inah de Belen. Sa kanyang showbiz career nakatutok ang oras ni Jake.


Past thirty na si Jake Vargas pero mukha pa ring bagets. Hindi lubos-maisip ng mga viewers ng Pepito Manaloto na magpapakasal na ito at bubuo ng sariling pamilya.


Si Jake ang gumaganap bilang si Chito, ang panganay na anak nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.) sa Pepito Manaloto.


Ilang beses na ring nag-guest si Inah de Belen sa PM kaya tanggap siya ng mga fans ni Jake Vargas.


Pero, hindi pa ready ang mga tagahanga na magpakasal na si Jake. Maging ang mga viewers ng Pepito Manaloto ay maiiba ang impresyon at pagtingin kay Jake kapag nag-asawa na ito.


Well, sa episode ngayon ng PM ay sesentro ang kuwento kay Maria (Janna Dominguez) na magpapanggap na mayaman at may-ari ng PM Mineral Water upang ma-impressed ang isang dating kaibigan na nang-api sa kanya. Sinuportahan naman si Maria ng buong Manaloto Family at staff ng PM Mineral Water.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page