4 sa pamilya may COVID-19… Megastar Sharon, humingi ng panalangin
ni Lolet Abania | November 4, 2022

Humiling ng panalangin si Megastar Sharon Cuneta matapos na apat sa miyembro ng kanyang pamilya ang tinamaan ng COVID-19.
“Now 4 in our family are down with COVID. Oh. Em. Gee. Please, please pray for us all,” ani Sharon sa Instagram post niya kasama ang photo ng positive antigen test.
Sinabi ng Megastar na ang mga miyembro ng kanyang pamilya ay maysakit.
Nito lamang linggo, hiniling din ni Sharon na ipagdasal sila dahil sa tatlo sa miyembro ng kanyang family ay nagpositibo sa test sa COVID-19.
“Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with COVID,” saad ni Sharon.
Ang kanilang pamilya ay kadarating lamang mula sa Australia.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang COVID-19 sa tahanan nina Sharon. Matatandaan na noong Enero, ang hubby ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan ay nagpositibo sa test sa COVID-19.





Comments