top of page

4 na Team Lakay, sasabak sa ONE World title fight

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2022
  • 1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 26, 2022



Babanat ang apat na miyembro ng Team Lakay sa World title fight sa pagitan nina reigning ONE Championship title holder Joshua “The Passion” Pacio at mainit na challenger na si Jarred “The Monkey God” Brooks ng Estados Unidos sa ONE 164 sa Disyembre 3 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Makikipagbanatan ang mga beteranong mixed martial artists na sina dating ONE flyweight champion Geje Eustaquio, No. 4-ranked flyweight Danny Kingad, rising bantamweight star Jeremy Pacatiw, at women's atomweight fighter Jenelyn Olsim.


Makakatapat ni Eustaquio upang pahabain ang kanyang winning streak sa tatlo kontra kay “Wolf Warrior” Hu Yong ng China na nag-aasam na umangat ang estado sa flyweight rankings at posibilidad na makahanap ng title shot sa hinaharap.


Produkto ang Chinese fighter ng “ONE Hero Series,” na kagagaling lang sa unanimous decision na pagkatalo laban kay Yuya Wakamatsu noong Disyembre noong isang taon, at nais na makaisa upang makabalik sa rankings.


Tatapatan ni Kingad si Canadian Gurdarshan Mangat na planong pahabain ang kanyang two-fight winning streak na huling natalo kay Reece McLaren noon pang 2019. Nais namang makabawi ni Kingad sa huling pagkabigo laban sa matibay na wrestling skills ni Kairat Akhmetov.


Pagbawi rin ang gustong kunin ni Pacatiw na bumagsak sa mga kamay ni No. 2-ranked bantamweight Fabricio Andrade kasunod ng matinding patama sa katawan ng tuhod upang tapusin ang laban ng Brazilian fighter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page