4 na taon na, ini-enjoy lang… JAKE, AYAW PA RING PAKASALAN SI KYLIE
- BULGAR
- Jan 27, 2022
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 27, 2022

Bilang kasintahan ni Jake Cuenca ay malaki ang papel ni Kylie Versoza lalo na kapag inaatake ng stress o kaya ay may pinagdaraanan sa buhay ang aktor.
Ayon sa aktres ay ipinagluluto niya ng paboritong pagkain si Jake.
“Kailangan mo siyang pakainin. Bilhin mo 'yung food o lutuan mo ng favorite niyang pagkain.
Kaunting effort lang. Maging sweet ka lang. Hug, ganyan. Okay na siya nu’n. Lambing lang 'yan.”
Madali naman palang pakalmahin si Jake, ‘tender loving care’ lang pala ang need at pagkain.
Naikuwento ito ni Kylie sa nakaraang Truth or Dare nina Jake kasama si Gerald Anderson para sa benefit interactive show ng Kapamilya Network para sa mga nasalanta ng bagyong Odette hosted by Alora Sasam at Darla Sauler.
Samantala, magte-35 years old na si Jake sa December, 2022 at wala pa rin sa plano niya ang magpakasal dahil ini-enjoy pa nila ni Kylie ang boyfriend-girlfriend relationship na kung tama ang bilang namin ay going 4 years na ang relasyon nila.
At kung tama ang pagkakatanda namin ay si Kylie ang pinakamatagal na karelasyon ng aktor dahil ang iba ay hanggang 3 years lang.
Nagbiro nga raw si Jake na magpapakasal siya sa edad na 40, so, may limang taon pang maghihintay si Kylie.
Anyway, ongoing pa rin ang TV series na Viral Scandal nina Jake kasama sina Dimples Romana, Ria Atayde, Charlie Dizon, Joshua Garcia at marami pang iba na mapapanood hanggang sa Mayo, 2022.
Abala rin ngayon ang aktor sa international movie na isinu-shoot niya sa Subic at may gagawin siyang serye kasama sina Christopher de Leon at Arjo Atayde.





Comments