4 na rooms daw ang koleksiyon… 1 LARUAN PA LANG NI JED, NASA P100K NA
- BULGAR

- Jun 24, 2025
- 3 min read
Updated: Jul 26, 2025
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 24, 20255
Photo: Jed Madela - Interview via Janiz Navida
Birthday month ni Jed Madela ang July kaya pinili niyang sa July 5 ganapin ang kanyang Superhero concert sa Music Museum.
Alam ni Jed na marami nang baguhang singers ngayon, pero ipinagpapasalamat niyang marami pa rin ang patuloy na sumusuporta sa kanya at napapaligaya niya sa kanyang performance kaya nag-decide siyang handugan pa rin ng birthday concert ang mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya.
At dahil magbi-birthday nga siya, natanong siya sa Star Magic Spotlight presscon kahapon sa Coffee Project kung ano ang birthday wish niya.
Ani Jed, tuluy-tuloy lang na good health niya ang kanyang hiling and of course, ‘yung magkaroon pa rin siya ng maraming shows here and abroad.
Kaya naman sa one-on-one interview, natanong namin si Jed kung sino sa mga international stars ang dream niyang maka-collab at inamin niyang si Bruno Mars lang.
Kahit anong song daw na babagay sa kanila ay okay sa kanya, either Filipino o foreign song.
Samantala, nabanggit din ni Jed na kung dati ay toy collector lang siya, ngayon ay toy designer na rin pala siya. In fact, sa isang recent toycon, makikita na ang toy design niya, at marami nga raw ang gustong bumili even abroad kaya lang inaayos pa nila dahil mas mahal pa raw ang shipping fee kesa sa mismong toy.
When asked kung sino sa mga celebrity friends niya ang gusto niyang gawan ng toy design, ani Jed, ang importante ay ‘yung may character tulad ni Meme Vice Ganda, kaya wait na lang natin kung ano nga kaya ang hitsura ng It’s Showtime host kapag may sarili na siyang toy design.
Tinanong din namin si Jed kung magkano ang most expensive toy collection niya at kung may idea ba siya kung gaano na ito karami.
Pag-amin niya, nasa 6 figures ang pinakamahal niyang collection at hindi man niya nabilang kung ilan na lahat, basta ang sabi niya ay nasa 4 rooms na raw ito!
OMG! Puwedeng-puwede na siyang mag-museum na sa ngayon ay pinag-iisipan na rin daw niya.
So, ‘wag nang magtaka kung bakit Superhero ang napili niyang title ng upcoming concert niya sa Music Museum on July 5 dahil sa sobrang hilig niya sa toys at sabi nga niya, lahat naman tayo ay may itinuturing na “superhero” sa buhay natin kung hindi tayo mismo ‘yun.
Anyway, July 14 ang exact birthday ni Jed Madela kaya gift na lang natin sa kanya na manood ng Superhero concert.
Malay natin, may biglang sumulpot doon na “superhero” sa buhay ni Jed Madela, pak!
HINDI naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para makapaghatid ng donasyon at saya ang SPEEd (Society of Phil. Entertainment Editors) - samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheets, top tabloid newspapers at online portals - sa pinakamatandang simbahan sa Laguna at sa humigit-kumulang na 150 kabataan sa ginanap na SPEED Cares Outreach Program nu'ng Linggo, Hunyo 22, sa Bgy. Longos, Kalayaan, Laguna.
Ang Saint John The Baptist Parish Church, na kilala bilang Longos Church, ay ang pinakamatandang simbahang Katoliko sa bayan ng Kalayaan sa Laguna.
Sa kasalukuyan ay 355 years old na ito na tuluy-tuloy ang isinasagawang restoration at pagpapaganda.
Isa sa mga hindi pangkaraniwang katangian ng simbahan ay ang Botafumeiro, isang swinging thurible na nakasabit sa malalaking metal na arko na may nakasulat na mga bersikulo mula sa awit ni Zacarias.
Personal naming nasaksihan kasama ng mga kapwa namin editors ang ginanap na seremonya sa misa last Sunday sa pangunguna ng parish priest na si Rev. Fr. Christian Abao.
Mainit ang naging pagtanggap at pag-alalay sa SPEEd ni Fr. Abao at ng grupong CWL para maging maayos at organisado ang naturang outreach program sa kanilang simbahan.
Sa tulong at suporta ng ilang grupo at personalidad tulad nina Biñan, Laguna Cong. Len Alonte, Bebot Santos ng Colorete Clothing, Moises Fernandez & friends, Geraldine Jennings, LVD Management, Inc. at Federation of Filipino Chinese Chambers Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), matagumpay na nairaos ang SPEEd Cares sa St. John The Baptist sa Bgy. Longos, Kalayaan, Laguna.
Ang SPEEd ay kasalukuyang pinamumunuan ni Ms. Salve Asis at ngayon ay nasa ika-10 na.
Ang SPEED ang nasa likod ng Entertainment Editors’ Choice Awards o The EDDYS na ngayong taon ay gaganapin sa July 20, Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.
May delayed telecast ito simultaneously sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at iWantTFC.
Major presenter naman ang Playtime PH sa pakikipagtulungan ng GLOBE at UNILAB. Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.






Comments