top of page

4 na carry over sa PRCI ngayon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 21, 2020



Maganda ang karera at tiyak na magkakadehaduhan kasabay ng pag-arangkada ng apat na carry over ng Winner Take All (WTA),Pick 6, Pick 5 ay Pick 4 ngayong araw sa Philippine Racing Club Inc.(PRCI) sa Naic,Cavite.


Ayon sa PRCI tagapangasiwa ng karerahan ng Santa Ana Leisure Park magaganap ang carry over ng P427,695.09 sa WTA na magsisimula sa race 1.


Nasusundan ng Pick 6 carry over ng P41,393.49 sa race 2. Mahigpit na paglalabanan sa Race 3 ang mga kalahok sa panimula ng Pick 5 kung saan carry over ng P22,278.70. Pagsapit sa Race 4 magaganap ang carry over sa Pick 4 ng halagang P10,340.30.


Sa simula ng karera race 1, kung saan simula ng WTA ay pinapaboran ang Juliana’s Gold panegundo ang Princess Via,pandehado ang Et Al. Sa umpisa ng Pick 6 sa race 2, kinakampihan ang Spy Glass at makakalaban ang Band of Halo at Maker’s Mark. Sa Race 3 kung saan simula ng Pick 5 pinapaboran ang Entry No.1, makakalaban ang Entry No.4 at Double Rock.


Pinapatok ang Rodrigo habang magsisilbing kalaban ang Lucky Noh Noh at Bond Lady sa Race 4 kung saan magsisimula ang Pick 4. Sa race 5 nakalamang ang Noh Sen Young Yana habang nanguna ang This Time.


Sa Race 6 nakalalamang ang Break Shine, Prince Popeye at mahigpit na makakalaban ang Rock Well Again at sa Race 7 magiging paratingan ang entry No.6 at panegundo ang Classic example.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page