top of page
Anjo Yllana - FB Live.jpg

4 Malaysian, timbog sa pagpatay sa kasama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Janice Baricuatro @News | August 1, 2026



4 Malaysian, timbog sa pagpatay sa kasama

Photo: File


Arestado ang apat na Malaysian national na umano’y sangkot sa brutal na pagpatay sa kanilang kasamahan na natagpuang duguan at tadtad ng saksak sa Sitio Ilayang Pulo, Brgy. Iba, Silang, Cavite.


Ayon sa imbestigasyon, matapos ang pananaksak ay tumakas ang mga suspek sakay ng Toyota Fortuner ngunit nahulog umano ang sasakyan sa kanal, kaya iniwan nila ito. Sumakay sila ng tricycle at nag-book umano ng Grab patungong Pasay City upang makatakas. 


Natunton sila ng pulisya sa tulong ng CCTV footage, pagkilala ng tricycle driver, at pakikipag-ugnayan sa Pasay City Police.


Inamin umano ng mga suspek ang kanilang pagkakasangkot sa krimen. 

Lumabas din sa paunang imbestigasyon na posibleng nasa impluwensya ng ilegal na droga ang mga ito nang gawin ang pananaksak.




Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page