₱4.4-B na transaksyon, inilatag sa impeachment trial ni VP Sara

by BRT @News | October 6, 2026

Photo: Inday Sara Duterte - BG / File
Umabot sa ₱4.4 bilyon ang kabuuang halaga ng mga transaksyong nasa records ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may kaugnayan kina Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si Manases Carpio.
Inilabas ang mga detalye matapos payagan ng Senate impeachment court ang AMLC witness na si Ronel Buenaventura na tumestigo sa mga nasabing records.
Kabilang dito ang ₱193.7 milyon na magkakahiwalay na transfers sa joint accounts ni Duterte at ng kanyang ama, at ₱41 milyon na cash withdrawals ni Carpio noong Agosto 2024.
Mayroon ding ₱319.32 milyon na remittances mula China patungo sa Cale88 Foods Corp., na dati nang naiugnay kay Carpio.
Giit naman ng depensa, dapat manatiling kumpidensyal ang AMLC records, pero sinabi ni Presiding Officer Chiz Escudero na hindi nangangahulugang absolute ang confidentiality ng mga ito.





Comments