3YO Maiden Stakes Race at Road to Triple Crown
- BULGAR

- Sep 6, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | September 6, 2020
Lalarga ang stakes races sa susunod na linggo na paglalabanan ng 3YO Maiden Stakes Race at Road To Triple Crown na dapat sana ay Marso 15 ang orihinal ay natigil ang nakatakdang karera dahil sa pananalasa ng coronavirus pandemic.
Yes, mga Igan! Bibitiwan sa Setyembre 13 ang 3 Year Old Maiden Stakes Race at Road to Triple Crown sa susunod na Linggo.
Inaasahan na magiging trial ng mga kalahok ang Triple Crown. Sa susunod na 15 linggo, pantay na makapagho-host ng tig-limang karera ang tatlong karerahan ng Metro Manila Turf Club sa Malvar,Batangas;Manila Jockey Club Inc.(MJCI),sa Carmona,Cavite at Philippine Racing Club Inc.(PRCI) ng Naic, Cavite.
May kabuuang P34.5-M na inilaan ang Philracom sa stakes races ngayong taon. Nakalinya ang tatlong pinakamalaking stakes races ang Triple Crown Series na magaganap sa Okt. 4, Okt. 31 at Nob. 29.
Gaganapin ang Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup sa Nob. 15 at Juvenile Championship sa Dis. 13. Sa Okt. 4,magaganap ang 1st Leg Triple Crown na paglalabanan ng 10 kabayo. Agad na isusunod and 2nd Leg Triple Crown sa Okt. 31 at magaganap ang 3rd Leg Triple Crown sa Nob. 29.





Comments