3rd Rnd: Swiatek vs. Eala na, binigo si Joint sa Wimbledon
- BULGAR

- 10 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 4, 2026

Photo: Swak sa round 3 si Filipino tennis Alex Eala sa Wimbledon women's singles event nang dominahin si Maya Joint ng Australia kahapon. (ealainstagram)
Muling lumikha ng makasaysayang talaan si Filipina tennis ace Alexandra “Alex” Eala nang maging kauna-unahang Pinoy na sasabak sa 3rd round ng prestihiyosong grass-tournament na 2026 Wimbledon Championship kasunod ng matatag na come-from-behind na panalo kontra Maya Joint ng Australia sa iskor na 3-6, 6-2, 6-0, kahapon ng madaling araw upang maihanda ang sarili sa trilogy match up kay No.3 seed at third World ranked Iga Swiatek ng Poland ngayong araw na ginaganap sa All England Lawn Tennis and Croquet Club (AELTC) sa Wimbledon, London.
Matamis na pagbawi ang inihambalos ng 21-anyos na lefty kontra Joint, na nagpaluha, ngunit pinagmulan ng matinding motibasyon kasunod ng pagkabigo sa finals ng Lexus Eastbourne Open noong 2025.
Nabitbit ng 5-foot-9 na tubong Quezon City ang momentum sa third set na mistulang matindi ang pagnanais na maka-usad sa round of 32 matapos bokyain ang kasalukuyang World No. 87 na Australian sa anim na laro lang para tapusin sa loob ng dalawang oras.
“I’ve been working (together with my team) extremely hard; I really feel that it's paying off, so this wins a lot. I really had to dig deep specially that first set, she came out ready and I was expecting a really good match, of course, we’ve competed with some very good conditions before, so I was prepared for a good match,” pahayag ni Eala na dinumog ng mga kababayang Pinoy at tagasuporta. “It’s absolutely incredible. Maraming, maraming salamat mga kababayan,” dagdag ni Eala, na kinapos naman sa women’s doubles kasama si Nikola Bartunkova.





Comments