3rd Richest Boxer in the World… PACQUIAO, P9 BILYON ANG DATUNG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 09, 2022

Kahit pormal nang nagretiro sa boxing ang 8-Division champion boxer na si Manny Pacquiao, siya pa rin ang isa sa pinakamayayamang boksingero sa buong mundo.
Sa kasalukuyan ay nasa 3rd place si Pacman sa mga kinikilalang richest boxers in the world na may net worth o yaman na P9 billion!
Ang nasa Top 1 ay si Floyd Mayweather at pumangalawa ang yumaong si Muhammad Ali.
Kaya naman, kahit na ibenta pa nang ibenta ng People's Champ ang ilan sa mga properties na kanyang naipundar para gamitin sa kanyang campaign funds, hindi pa rin niya mararanasang maghirap.
Patuloy na magiging maginhawa ang kanyang lifestyle at nakatitiyak pa rin ng magandang future ang kanyang asawa't mga anak.
Kaya naman up to the last minute ay hindi naawat o napigil si Sen. Manny Pacquiao sa kanyang pagtakbo bilang pangulo. Maging si Mommy Dionesia ay walang nagawa at hindi napigil si Pacman sa kanyang ambisyon na maging pangulo ng 'Pinas.
Sa mga interviews, laging sinasabi ni Sen. Manny Pacquiao na mandato raw sa kanya ni Lord ang kanyang pagpasok sa pulitika upang makatulong sa mga mahihirap at tuluyang baguhin ang senaryo ng pulitika sa ating bansa.
At matibay ang paniniwala ni Sen. Manny na gagabayan siya ng Diyos sa kanyang misyon.





Comments