top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

3rd party daw sa hiwalayan kay Bea... ANGELI KHANG, NAGTAGO NANG MA-LINK KAY DOMINIC

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2024
  • 1 min read

ni Lucille Galon - Trainee @Entertainment | May 1, 2024


Itinanggi ni Angeli Khang na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, matapos siyang tanungin tungkol dito ng showbiz reporter na si Nelson Canlas sa isang panayam sa “Updated with Nelson Canlas” podcast nitong Martes, Abril 30.


"Fake news po, fake news s'ya," sey ni Angeli.


Hindi rin daw niya personal na kilala si Dominic at never raw niyang nakatrabaho ito pati na rin si Bea, but hoping siya na magkaroon sila ng project together.


"Tingin sa akin ng mga tao 'pag lumalabas ako na taray na taray talaga sa 'kin na parang ako talaga yung reason ng breakup nila. Gusto kong mag-explain sa kanila, 'Wait, hindi po, hindi po kami magkakilala,'" ani Angeli.


Sinabi rin ni Angeli na maraming tao ang nagalit sa kaniya nang ma-link ito kay Dominic.


"Every time po na lumalabas ako, nakikita ko 'yung mga tingin sa 'kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako. Kaya nu'ng time na 'yun hindi muna ako lumabas ng one week. Hindi muna ako nagpakita sa lahat," sey niya.


Nu'ng Abril, ay matatandaang binura na ni Bea ang kanilang photos ni Dominic sa Instagram.


Hmmm, magsasama kaya sina Angeli at Dominic sa Vivamax kaya may paingay na ganito? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page