37 yrs. supporter ng mga Marcos… LA ORO, LOYALISTA NOON, BUMITAW NA KAY PBBM NGAYON
- BULGAR
- Jul 30, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 30, 2023

Kilalang loyalista ng mga Marcos si Elizabeth Oropesa, pero ngayon ay nagpahayag ang beteranang aktres ng kanyang sama ng loob sa naging reaksiyon ng ilang tagasuporta ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang video.
Magalang ang paraan ng pagtawag ng pansin ng aktres sa pangulo, pero hindi pa rin ito nagustuhan ng ilang diehard Marcos supporters at binanatan siya.
Sinabi ni Elizabeth na hindi raw siya takot sa mga ito dahil duwag ang mga ito sa personal at walang kuwentang tao.
Si La Oropesa ay aminadong supporter ng mga Marcos sa loob ng 37 na taon.
Sa huling bahagi ng kanyang post ay sinabi niyang hindi na siya Marcos loyalist ngunit aniya ay iginagalang pa rin niya ang pangulo.





Comments