top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

34 yrs. age gap, 'di raw big deal… VIC, AMINADONG ISIP-BATA, PAULEEN, ISIP-MATANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 27, 2022



Hindi big deal noon pa man sa mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang napakalaki nilang age gap (34 years). Hanggang ngayon nga, 'pag tinatanong ito sa kanila, kering-keri nila itong sagutin at idinadaan pa sa biro.


“May age gap talaga kami, siya ‘yung isip-bata, ako ‘yung. . . echos!” natatawang biro ni Pauleen sa grand mediacon ng NET25 kung saan ay may bago silang show kasama ang anak nilang si Tali.


Seriously, hindi raw nila ito nararamdaman dahil unang-una ay may respeto sila sa isa’t isa na isa sa pinakamahalagang factors sa kanilang pagsasama.


“Hindi talaga namin nararamdaman kasi Vic and I, we really treat each other with respect,” sey ni Pauleen sa mediacon ng NET25 kung saan ay may bago silang show.


“And when you have respect, hindi mo mararamdaman that he’s more superior because he’s a little bit older, mature,” sey pa niya sabay-tawa.


“I do not feel na ako ‘yung mas nakababata. Kumbaga, pantay ‘yung papel na ginagampanan namin in our relationship.


“I am very fortunate and blessed that I’m given a man who really respects me and you know, who knows my worth and who values me. So even if I put them first, he still gives me that space to grow as a person,” patuloy niya.


Bukod dito, hindi raw sila nagpapa-stress sa mga bagay-bagay kaya rin daw siguro looking very young pa rin ang mister.


“I think, one of the reasons why he’s looking very young is because we’re really trying to live a stress-free life, hindi na namin pinapansin ‘yung maliliit na bagay. Mas importante sa amin ‘yung kung saan kami sasaya, kung saan kami at peace.


“Kumbaga, we always choose happiness over you know, the little things,” sey pa ni Pauleen.


Sabi naman ni Bossing, “'Yung mga utak namin, eh, hindi naman nagkakalayo, eh. Dahil nga sa nabanggit nga kanina, siya, kung ang isip niya, eh, isip-matanda, ako naman, isip-bata. So, walang problema.”


Samantala, mas marami pang life lessons na ibabahagi sina Bossing and Pauleen (BosLeng) sa bago nilang show sa NET25 na Love, Bosleng and Tali na mapapanood every Sunday, 6 PM.


Sa nasabing programa kasi, magbibigay sila ng payo sa mga letter-senders na anila ay gustung-gusto nila ang concept, plus kasama pa nila ang kanilang anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page