32 si lalaki, 39 si babae… JAKE, BAGO NI JODI

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 3, 2022

Universal leading lady na rin bang matatawag si Jodi Santamaria?
Lahat kasi ng ipareha sa kanya ay bumabagay. Tulad na lang ni Jake Ejercito na bagong love interest niya sa umeereng The Broken Marriage Vow na edad 32 lang, samantalang si Jodi ay 39 na, pero hindi halata, lalo na nu’ng nag-ayos na ang aktres para sa bago niyang ka-date.
Natatandaan n'yo ang Be Careful with my Heart kung saan si Richard Yap na nasa late 40’s na noong nagtambal sila ay bumagay pa rin kay Jodi at talagang phenomenal ang love team na Ser Chief at Maya.
Umeksena nga rin si Robin Padilla noon sa tambalang Richard at Jodi at bumagay din si Binoe sa aktres at siyempre, si Ian Veneracion pa.
Going back to Jodi and Jake, sila ang hottest pair ngayon dahil sa The Broken Marriage Vow na talk of the town ngayon dahil dinaig nila ang tambalang Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.
Type ni Jake si Jodi, pero mukhang hindi pa gaanong solve ang huli dahil gusto lang niyang pasakitan ang ex-husband niyang si Zanjoe, bagay na ikinagigil ni Sue dahil akala niya ay tapos na ang dalawa.
Nakakaaliw dahil si Jake pala ay teacher ni Zaijian Jaranilla (anak nina Jodi at Zanjoe) sa Science, bagong coach sa basketball at MMA fighter.
Anyway, papakalmahin ni Jake ang gigil ni Jodi sa pagpasok ng kanyang karakter sa The Broken Marriage Vow na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.





Comments