31K sundalo ng Ukraine, patay sa giyera

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 26, 2024

KYIV — Sinabi ni Pangulong Volodymyr Zelensky nitong Linggo na 31,000 na sundalo ng Ukraine ang namatay mula nang maganap ang pagsalakay ng Russia dalawang taon na ang nakalilipas.
Ipinahayag ni Zelensky sa isang news conference sa Kyiv na hindi niya maaring ibunyag ang bilang ng mga sugatan dahil magbibigay ito ng tulong sa plano ng militar ng Russia.
Ibinahagi rin niya sa mga reporter na 180,000 na Russian ang namatay sa giyera.
Hindi naman naglabas ang Russia ng impormasyon tungkol sa mga militar nila na nasawi.





Comments