₱319-M galing China, pumasok sa kumpanya ng asawa ni VP Sara

by BRT @News | October 6, 2026

Photo: Sara Duterte at Mans Carpio / BG China
Umabot sa ₱319.3 milyon ang kabuuang perang pumasok mula China at Hong Kong sa CALE88 Foods Corp., kumpanyang pag-aari ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Manases Carpio.
Kinumpirma ito ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa impeachment trial ni Duterte noong Lunes.
Ayon sa AMLC, 141 sa 143 covered transactions ng CALE88 ay mula China, habang dalawa naman ay mula Hong Kong. Tatlo rin sa mga transaksyon mula China ang na-flag bilang suspicious.
Sinabi rin ng AMLC na na-flag ang tatlong suspicious transactions dahil wala umanong malinaw na legal o trade obligation, purpose, o economic justification.





Comments