top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

31 ahensiya at LGUs, tatanggap ng parangal mula sa KWF para sa kanilang mahusay na paggamit ng

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2021
  • 2 min read

Filipino sa ngayong pandemya.


ni Fely Ng - @Bulgarific | August 12, 2021




Hello, Bulgarians! Ngayong panahon ng pandemya napakasayang may mga umaani pa rin ng mga parangal sa iba't ibang larangan. Katulad ng 31 ahensiya at LGU na tatanggap ng prestihiyosong KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa kanilang paggamit ng Filipino ngayong panahon ng pandemya sa pagtatapos ng Buwan ng Wika sa 31 Agosto.





Kinikilala ng parangal ang mga ahensiya at LGU na tumatalima sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (EO 335). Hinihimok ng nasabing EO ang lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.


Para sa taong ito, nagtuon din ang KWF sa naging pagkilos ng mga ahensiya at LGU sa paggamit ng Filipino sa panahon ng pandemya.


May apat na antas ang gawad mula 1 hanggang 4. Tatanggap ang sumusunod na ahensiya ng Selyo:


Unang antas: DBM, DAR, DOST, MTRCB, OPAP, JRMMC, Bayan ng Orion, Lungsod Parañaque, Lungsod Valenzuela, at Museo ng Pasig.


Ikalawang antas: DA, DOLE-BWSC, DOT, DENR, DepEd Central, DepEd Rehiyon V, DILG, MIAA, PCOO, PAF, at Bayan ng Marilao.


Ikatlong antas: DSWD, MMDA, QMMC, RMC, at Lungsod Sta. Rosa.


Ikaapat na antas: CFO, Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig

At sa unang pagkakataon, pagkakalooban naman ng KWF Selyo ng Dangal sa Serbisyo Publiko ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPost) para sa kanilang huwarang paggamit ng Filipino sa buong bansa.


Iginawad ang pinakamataas na karangalan sa PHLPost para sa kanilang limang magkakasunod na taong pagtanggap ng parangal mula 2016–2021.


Mapapanood ang online na parangal, 9–11nu, sa FB page ng KWF.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page