top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 yrs. old na raw, ayaw pa ring aminin… OGIE, NADULAS NA BABAE ANG ANAK NINA COCO AT JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 25, 2022



Sa latest Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ay napag-usapan nila ang pasorpresang birthday cake ni Coco Martin sa rumored girlfriend niyang si Julia Montes sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano kamakailan.


Viral ang photos na hinalikan ng aktres ang leading man niya sa action serye kaya ang naging takbo ng usapan ay kung sila na ba talaga at bakit ayaw pang umamin.

Inamin ni Ogie na sa pagkakaalam niya ay may relasyon na talaga ang dalawa at intindihin na lang kung ayaw pa nilang umamin.


“Well, kung ayaw pa nilang umamin, dahil baka gusto nilang pribado lamang or hindi puwedeng pakialaman ng public ang kanilang relasyon kaya hindi sila para umamin o i-announce to the whole world na sila na,” saad ng talent manager-vlogger tungkol kina Coco at Julia.


Katwiran naman ni Mama Loi, “Bakit kaya hindi pa tinuluyan? Parang bitin pang ginawa. 'Di ba, sinabi na ni Julia na yes, she’s in love, she’s into a relationship? Tapos, sabi niya, her relationship is never a secret naman daw. Never a secret pala, bakit hindi natin alam?”


Say ni Ogie, “Alam mo naman ang publiko, 'di ba? Gusto nila ay naririnig mismo sa bunganga ng kabayo, from the horse’s mouth, ‘Yes, kami na. Eh, hindi sila (publiko) parang kuntento ru’n sa ‘What you see is what you get.’ Gusto nilang naririnig nila, gusto nila, confirmation mula sa dalawa. Pero kung ayaw naman nila (Coco at Julia) ay intindihin na lang natin. Tayo na lang mag-conclude kung sila, eh, di sila.”


May nakakalokang hirit naman si Tita Jegs, “Eh, ‘yung anak ‘teh, kelan naman aaminin?”


Nagulat sina Mama Loi at Ogie pero sumagot pa rin ang huli ng, “No comment.”


Pangungulit ni Mama Loi, “Totoo bang babae ‘yung anak?”


Dagdag ulit ni Tita Jegs, “Three years old na raw?”


“Alam mo, ang dami-dami mong alam! 'Kaloka ka. Ikaw na dito, ako d'yan sa likod,” sabi ni Ogie kay Tita Jegs.


“Pero alam mo, kung ayaw pa rin nilang aminin, ibigay natin sa kanila ‘yan. Baka gusto lang din nilang maging pribado o ayaw isapubliko (ang anak).


“Pero alam mo, sa totoo lang, let’s be honest, kumakalat na ‘yan (may anak), noon pa, na may anak sila. Kaya lang, sino naman tayo para piliting umamin? Baka rin naman nag-e-enjoy sila nang ganyan.


“Baka rin gusto nila ‘yung ganu’n lang na hindi umamin at amin lang ‘tong anak namin at hindi para isapubliko ‘yung anak namin.


“Pero siyempre, 'di ba, kahit sino, proud ka sa anak mo, gusto mo siyang ilabas. Gusto mo siyang ipagbanduhan na we are the proud parents of this girl,” dire-diretsong kuwento ni Ogie.


Napatingin sina Mama Loi at Tita Jegs kay Ogie sabay tanong, "Huh? Girl? Inamin mo na girl nga?”


Parang biglang nagising si Ogie sa tanong ng dalawa, “Ha?"


“Kakasabi mo lang, rewind," giit ni Mama Loi.


Hirit din ni Tita Jegs, “Narinig ko rin.”


Wala nang naikatwiran si Ogie kaya itinuloy na niya, “Kung ayaw isapubliko, hayaan na natin. Basta ang importante, eh, happy sila. Kung totoo man ‘yan, hindi naman sa atin kinukuha ‘yung panggatas ng baby nila.”


Madaling-araw na nila itineyp ang vlog kaya pumipiyok na ang boses ni Ogie lalo’t galing pa sila sa sorties ni VP Leni Robredo kaya binibiro ni Mama Loi ang co-host.


Nagkatawanan ang tatlo at sabi ng main host ng Showbiz Update, “Lalo na ala-una na (madaling-araw).”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page