3 yrs. after nilang mag-break ni Derek… ANDREA, UMAMING OPEN NA SA MGA LALAKI
- BULGAR

- Jul 8
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 8, 2025
Photo: Andrea Torres - IG
“One of the most beautiful and one of the most talented actresses in the industry,” ito ang ginawang pagpapakilala ng magaling na TV host na si Boy Abunda nang mag-guest ang aktres na si Andrea Torres sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan lang.
Nang tinanong ni Kuya Boy kung kumusta na si Andrea, ang sagot ng aktres habang naka-all-smiles ay “Masaya, Tito Boy. Kinikilig, excited, lahat-lahat na.”
Natanong din ng magaling na TV host kay Andrea kung ano ang mga akusasyon na pinagdaanan nito.
Sagot ng aktres, “Wala akong specific masyado na maisip, Tito Boy, pero feeling ko, ang pinakamahirap is s’yempre, you try to be a good person all the time. So parang ang hirap maakusahan ng something na never mo kayang gawin. Na alam mong never mong kayang gawin kasi ‘yung values mo, nandu’n, eh.”
Dagdag-tanong pa ni Kuya Boy, nananahimik lang ba siya o lumalaban kapag naaakusahan nang ‘di totoo?
“Before Tito Boy, hindi ako nagsasalita kasi natatakot ako. Kasi pinaghirapan ko ‘to, eh, parang ayokong may magawa ako na makasira ng lahat ng pinaghirapan ko sa career ko. Pero ngayon ko na-realize, kailangan mong magsalita kasi ano ‘yan, maiiwan ‘yan sa ‘yo, eh. So, kailangan talaga, i-address mo s’ya in a nice way,” sagot ng aktres.
Sa Fast Talk segment ay natanong si Andrea kung ano’ng status ng love life niya ngayon.
Aniya, “Single pa rin pero open. Open to meet new people, although hindi na bago sa akin ‘to, ah, kasi usually talaga, in between ng boyfriends ko, two years, three years. Matagal talaga.”
Kinumpirma rin ni Andrea na si Derek Ramsay ang huling nakarelasyon niya 3 years ago.
Nang tanungin siya ni Kuya Boy Abunda kung actively naghahanap ba siya ng bagong boyfriend, sagot ni Andrea, “Hindi naman Tito Boy, parang go with the flow lang. Kapag sinabi ng friends ko na, ‘Uy, meet mo ‘to, feel ko bagay kayo.’ Sige, imi-meet ko ‘yan. Tingnan natin.
“Hinihintay ko lang ‘yung spark. Importante sa akin ay koneksiyon at kilig na lagi kong hinahanap. Alam kong once ma-feel ko ‘yun, dire-diretso na ‘yun.
“I’m sure ‘pag ready na ako, darating ‘yan.”
Korek ka d’yan, Andrea. Makakahanap ka rin ng super magpapakilig sa ‘yo tulad ng naramdaman mo nu’ng nagkita kayo ni Derek Ramsay.
Boom ganern!
Bata pa, iniinda na raw ang sakit…
WHAMOS, TODO-DASAL NA PAGALINGIN NI LORD DAHIL SA LUSLOS
“THANK you, Lord, pagalingin ninyo po ako agad para makapagtrabaho na po ulit ako,” ang nasabi ng kilalang social media personality at content creator na si Whamos Cruz.
Last June 30 ay nagbahagi sa social media ang blogger ng larawan na nagpapakita na nasa hospital siya.
Caption niya, “Ipinaopera ko na ang luslos ko.”
Ayon sa kanyang latest update sa social media ay naging maayos naman ang operasyon ng kanyang luslos.
Sa ngayon ay nagpapahinga na lang siya at nagpapalakas at umiiwas na rin sa stress. At hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga doctor at nurse na nag-alaga sa kanya, at sa kanyang asawa na si Antonette Gail, lalo na sa Panginoon.
Saad ni Whamos, “Maraming salamat sa lahat ng nag-message at nagdasal para sa akin. Kay Antonette, salamat sa walang sawang pag-aalaga habang nagpapagaling ako. Mahal na mahal kita.”
Ibinahagi rin ng blogger na umabot sa P400,000 ang kabuuang gastusin sa operasyon.
Maraming tagahanga ni Whamos ang nag-alala sa kalusugan nito at bakit daw pinatagal pa at hindi agad ipinaopera. Marami naman daw itong pera.
Meron ding nagsabi na paano kung may mangyari sa kanya o kaya mamatay siya, mag-aasawa na lang daw ng iba si Antonette.
Ang siste, inamin din ng partner ni Whamos na matagal na raw iniinda ng influencer ang kanyang kondisyon, mula pa noong bata siya.
Sa panahon ngayon, dapat priority na natin ang health. Health is the biggest wealth anybody can have. Anything can be achieved if we have good health. Pak, ganern!










Comments