3 trak, inabandona... P20M puslit na yosi, nasamsam

ni Janice Baricuatro @News | November 13, 2026

Photo: Ilegal na yosi, nasabat sa Cavite - PNP
Narekober ng mga pulis ang mahigit P20 milyong halaga ng hinihinalang puslit na sigarilyo matapos madiskubre ang tatlong abandonadong delivery truck sa Sterling Technopark, Brgy. Lantic, Carmona City, Cavite, kamakalawa.
Sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group, Carmona City Police at lokal na pamahalaan, tatlong truck ang nakita ng mga awtoridad na may 308 master cases ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng tinatayang P20.02 milyon.
Abandonado ang mga trak kaya walang naarestong suspek sa operasyon.





Comments