3 timbog sa P3.4M shabu

ni Janice Baricuatro @News | November 11, 2026

Photo: File
Tatlong indibidwal ang nahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa ikinasang operasyon kontra droga kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek sa alyas Amir at Jamala, kapwa 51-anyos, at Amira, 46. Nakumpiska sa kanila ang limang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 500 gramo.
Pinangunahan ng PDEA Region 4A Special Enforcement Teams 1 at 2, katuwang ang PNP Cavite Maritime Group, ang operasyon sa Dasmariñas.





Comments