top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 taon nang kasal, wa' pa ring anak… MEGAN AT MIKAEL, GAME NA MAG-AMPON NA LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 20, 2023



Three years nang kasal ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez, kaya panay ang tanong ng kanilang mga fans kung kailan sila magkaka-baby? Wala pa ba sa agenda nila ang “baby project”?!


Hindi ba sila naiinggit sa mga kasabayan nilang artista na may mga anak na?


Well, iginugol kasi nina Megan at Mikael ang unang taon nila as a married couple sa pamamasyal at pagbibiyahe abroad. Bukod sa pareho silang mahilig mag-travel, nagkakasundo rin sila sa iba't ibang klaseng adventures.


Kaya hindi naging priority ng mag-asawa na magkaroon agad ng baby. Ine-enjoy muna nila ang mga moments na silang dalawa lang ang magkasama.


Ganunpaman, kino-consider nina Megan at Mikael na mag-undergo ng fertility test at kung sakali, open din sila sa adoption.


Pero sa ngayon ay magiging busy sila sa mystery series ng GMA-7 na Royal Blood, kung saan malaking role ang kanilang gagampanan bilang married couple base sa teaser na aming napanood.


Komento naman ng ilang netizens na nakapanood ng teaser, mukhang nag-improve na ang acting skills ni Megan. Nakikipagsabayan na kasi siya sa ibang cast ng Royal Blood.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page