top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 taon na lang daw... DERRICK, SURE NANG PAKAKASALAN SI ELLE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 9, 2023



Natawa kami sa comments ng mga netizens sa ipinost na photo ni Derrick Monasterio kung saan magkasama sila ng girlfriend na si Elle Villanueva.


Makikita sa nasabing photo na nakasakay ang dalawa sa yate habang nakalagay ang isang palad ni Elle sa dibdib ni Derrick.


Pinaglaruan din ng mga netizens ang caption ni Derrick na: “This compass of mine leads me to the right direction.”


Naalala ng mga netizens ang caption ni Marco Gumabao sa relationship reveal nila ni Cristine Reyes na sinabing, “You are my home and my adventure all at once.”


Kung si Marco ay binanggit ang “home,” si Derrick naman ay “compass,” at ano naman daw kaya ang susunod na salitang gagamitin ng ibang celebrity couples?!


Confirmed na magdyowa na ang dalawa, kahit sinabi ni Elle na ayaw nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon dahil ang mahalaga raw ay nagmamahalan sila.


At saka, sabi ni Derrick sa isang short tsikahan, si Elle na ang babaeng kanyang pakakasalan.


Nang tanungin namin kung kailan ang kasal na ‘yun, very sure ang sagot nitong, “In three years.”


Anyway, balik tayo sa mga komento sa post ni Derrick na nagpatawa sa amin. Sabi ng isa, sana ay naging palad na lang siya. Sabi naman ng isa pa ay tinapos na ni Elle ang pila para sa puso ni Derrick.


May comment din ang mga naiinggit at nagsasabing masuwerte si Elle at humirit pa ‘yung isa na masakit daw sa puso at sa mata ang sweet photo ng dalawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page