top of page
Search
  • BULGAR

3 Chinese na dinukot, na-rescue

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023




Nailigtas ng Philippine National Police (PNP) ang 3 Chinese nationals na dinukot at dinala sa bahay sa isang subdivision sa Brgy. Pandayan, Meycauyan, Bulacan nu'ng Biyernes.


Ayon sa Meycauayan Police Station, dinala ng punong sekyu ng subdivision sa istasyon ang isang lalaking Chinese na sugatan.


Saad ni Meycauayan police chief Lt. Col. Jordan Santiago, tumalon ito mula 3rd floor ng bahay at nakitang nakaposas ang biktima.


Nagsagawa ng imbestigasyon ang PNP-AKG sa sinasabing bahay at doon nakita ang dalawa pang biktima na nakapiring at nakagapos.


Napag-alamang ang mga biktima ay dating trabahador sa isang POGO.


Patuloy naman sa kanilang imbestigasyon ang mga awtoridad.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page