3 buwang nakulong, todo-bawi sa pamilya… VHONG, FEBRUARY 2023 PA BALIK-IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- Dec 16, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 16, 2022

Hindi raw muna magbabalik sa It’s Showtime si Vhong Navarro na matatandaang lumaya na kamakailan. Sa ngayon daw kasi ay bumabawi muna ang TV host-dancer sa kanyang pamilya lalo pa nga at magpa-Pasko.
Ayon sa batikang manunulat at vlogger na rin na si Cristy Fermin, baka bandang February, 2023 pa magbalik si Vhong sa It’s Showtime.
“Kasi naman siyempre, ine-enjoy pa niya ‘yung pagmamahal ng kanyang pamilya. Unang-una siyempre, ang asawa niya, ang kanyang mga anak, 'di ba, ang kanyang dakilang ina. Natural lamang po na bumawi siya sa loob ng halos 3 buwan na siya po ay napiit. Adjustment ‘yan,” pagbabalita ni 'Nay Cristy sa kanyang Showbiz Now Na vlog with Wendell Alvarez and Rommel Chika.
“Kaya sa mga umaasa po na mabilisan daw po ang pagsalang muli ni Vhong Navarro sa Showtime, ayon sa kanyang mga abogado, parang nabanggit nila na Pebrero pa,” patuloy pa ni 'Nay Cristy.





Comments