top of page

3 buwan matapos ikasal… KALAT NA: CARLA AT TOM, HIWALAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2022
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 26, 2022





May bagong showbiz couple na pinagpipiyestahang hiwalay na ngayon, walang iba kundi ang 3 buwan pa lang na ikinasal na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.


May mga netizens kasing nakapansin na mukhang may pinagdaraanan ang mag-asawang Carla at Tom base na rin sa mga Instagram posts nila lately.


Parang parehong may hugot ang dalawa at kapansin-pansin na hindi rin sila magkasama sa mga pictures nilang ipino-post sa IG.


May nakapuna rin na in-unfollow nina Carla at Tom ang isa't isa, kaya naiintriga ang mga fans nila at nagtatanong kung ano na ba ang estado ng relasyon ng mag-asawa.


Base sa nabasa naming komento ng mga fans nila sa post ni Tom sa kanyang IG, karamihan sa mga ito ay nagbibigay ng payo na lumaban si Tom at 'wag isuko ang marriage nila ni Carla.


May mga nagsasabi ring pagsubok lang 'yan sa kanilang pagsasama lalo na't nagsisimula pa lang ang buhay-mag-asawa nila.


As of this writing, kahit ang malalapit kay Carla ay wala pang maisagot tungkol sa estado ng relasyon nila ni Tom dahil wala pang nagsasalita sa mag-asawa.


Pero umaasa naman ang lahat na sana nga ay tampuhan lang ang namagitan sa dalawa at 'wag namang mauwi sa tuluyang hiwalayan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page