top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2nd Leg Triple Crown at 2 pamalaking pakarera hahataw na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | October 31, 2020



Nakahanda ang anim na kalahok na magharap sa 2nd Leg Triple Crown Stakes Race ngayong Sabado


Oktubre 31 sa Santa Ana Leisure Park sa Naic, Cavite. Maghaharap sa distansiyang 1,800 meter ang mga kalahok sa 2nd Leg Triple Crown.


Pangungunahan ng unang nagwagi sa 1st Leg Triple Crown Stakes Race na Heneral Kalentong. Mahigpit na makakatunggali ang Runway, Cartierruo, Four Strong Wind, Prime Time Magic at Tifosi.


Papatnubayan ang Heneral Kalentong ni Jockey Jessie Guce, habang sasakyan ang Runway ni Jockey MM Gonzales, Jockey Kevin Abobo ang sasakay sa Cartierruo, sasakyan ni Jockey O P. Cortez ang Four Strong Wind, sasakyan ni Jockey R M Garcia ang Prime Time Magic at papatnubayan ni Jockey John A. Guce.


Magkakamit sa unang premyong P1.8-M ang mangunguna at tatanggap ng P675,000 ang 2nd place at P375,000 ang 3rd place at ang 4th place ay P150,000. Kasabay nito dalawaang malalaking karera pa ang kasama na aalagwa ito ay 2020 Philracom Hopeful Stakes Race at 3 YO Locally Bred Stakes Race na tatawid sa distansiyang 1,800 meters.


Maghaharap ang 9 na kalahok sa pangunguna ng Calbayog, Sky Shot, Victorious Run, Exponential, Abetski, Go Go Rosario, Zenaida, Spandau Ballet at Bourne Leader. Ang nasabing karera ay may nakalaang P1-M sa unang apat sa darating sa finish line.


Samantala, maghaharap na ang 10 kalahok sa 3 YO Locally Bred Stakes Race na kinabibilangan ng La Republika, Bourne Wardeni, Nicole’s Favorite, After Party, Drummer Girl, Parokya ni Paolo, Bishop Blue, Cool Mom, Super Shelltex at Radio Gaga. May nakalaan na P500,000 na premyo sa apat na unang makatatawid sa finish line.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page