2nd biggest buyer ng YSL sa buong mundo… PAMBILI NG LUHO NI HEART, GALING DAW KAY SEN. CHIZ
- BULGAR

- Sep 14
- 2 min read
ni Nitz MIralles @Bida | September 14, 2025

Photo: Chiz Escudero at Heart Evangelista / IG
Hindi pala tuluy-tuloy ang pagbabalik sa Instagram (IG) ni Heart Evangelista dahil after one post 2 days ago, tahimik na naman siya.
Nag-promote lang si Heart ng Centella Sun Serum na in fairness, mabilis nag-sold-out.
Ang pagpapa-sold-out sa ine-endorse ang pa-welcome sana ng mga supporters ni Heart sa pagbabalik niya sa IG. Kaya lang, pause na uli siya kaya naghihintay na uli ang kanyang mga supporters for her next post.
Sold-out sa Shopee at Lazada ang nabanggit na product at ang request nila ay dagdagan ang ilalagay sa online stores dahil kinulang.
Ang next na inaabangan ng mga supporters ni Heart ay ang mga ganap niya sa Milan Fashion Week at Paris Fashion Week na sabi nito sa isang earlier interview ay kanyang dadaluhan.
Samantala, nag-ingay online ang pahayag ng makeup artist ni Heart Evangelista na si Memay Francisco matapos nitong ibulgar sa comment section ng IG post ng aktres na ito raw ang pangalawang pinakamalaking customer ng luxury brand na Yves Saint Laurent (YSL) worldwide.
Dahil dito, maraming netizens ang napa-react at nagtanong kung saan nanggagaling ang pera ni Heart para sa kanyang bonggang YSL purchases.
“Heart Evangelista is the 2nd biggest customer of YSL in the world according to her glam team. Where did Heart get the money to pay for her YSL purchases? Is it thanks to Chiz?” ayon pa sa isang netizen.
Mabilis na naging usap-usapan sa social media ang lavish lifestyle ni Heart, lalo pa’t lumabas ang issue kasabay ng pagkakadawit ng kanyang mister na si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa mga kontrobersiya tungkol sa flood control project contractors.
Kaya ngayon, marami ang curious, galing ba talaga sa sariling kayod at kita ni Heart Evangelista ang kanyang luho o may koneksiyon ba ito sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mister?
At ang pagiging 2nd biggest YSL buyer, totoo kaya ito?
Ano’ng sey mo, Heart?
Kahit nasa public place…
BEA AT VINCENT, MAY SARILING MUNDO HABANG TODO-TITIGAN AT HOLDING HANDS
Ang sweet ni Bea Alonzo at ng boyfriend niyang si Vincent Co sa launching ng Bash Aftergloss. May video na nag-uusap sila, magkaharap at holding hands.
Sa dami ng mga nasa event, parang silang dalawa lang ang tao. Titigan to the max, kaya tama ang caption na: “Just them, in their own little world.”
Positive rin ang mga comments ng mga netizens na kapag nabasa ni Bea, matutuwa at sasaya lalo ang puso niya.
Si Vincent daw ang boyfriend ni Bea na tanggap ng mga fans, kasama na pati mga fans nila ni John Lloyd Cruz (JLC).
Umaasa ang mga fans ng aktres na silang dalawa na ang may forever at sa kasalan na mauuwi.
Nainis ang mga fans dahil nabitin sila sa moment nina Bea at Vincent. May sumingit kasi o dumaan habang nag-uusap ang magdyowa. Binitiwan tuloy ni Vincent ang paghawak sa palad ni Bea. Wala raw respeto kung sinuman ang mamang ‘yun, na kawawa naman, hindi alam na marami ang nagalit sa kanya.
Anyway, sa interview kay Bea, natawa siya kay JLC na ginawang public ang pag-iimbita sa kanila ni Vincent sa bahay ng aktor for a dinner. Nakalimutan daw nito na magka-Viber sila.
Pero natuwa si Bea Alonzo at tinanggap ang imbitasyon ni JLC.








Comments