top of page
Gary V. - IG.jpg

2k katao, nalibing nang buhay sa landslide

Writer:  BULGAR
BULGAR
May 27, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel @News | May 27, 2024


Mahigit sa 2,000 katao ang nalibing nang buhay noong nakaraang linggo, dahil sa isang malaking pagguho ng lupa sa Papua New Guinea, ayon sa national disaster center nitong Lunes.


Nakabase sa tantiya ng mga lokal na otoridad ang bilang ng mga taong nabaon sa lupa malapit sa Yambali village sa lalawigan ng Enga sa hilagang bahagi ng bansa. Patuloy namang lumalaki ang kalkulasyon mula nang mangyari ang pagguho noong Biyernes.


Isang ahensya ng UN ang nagtakda ng tinatayang bilang ng mga namatay na higit sa 670 katao noong Linggo.


Itinaas ng National Disaster Center ang bilang sa 2,000 sa isang sulat sa UN noong Linggo na inilabas sa publiko nitong Lunes. Sinabi rin sa liham na nagdulot ng malaking pinsala sa mga gusali at taniman ng pagkain ang pagguho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page