top of page

294 gas stations nationwide, nagsara — PNP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 1 min read

ni Lulet Abania @News | April 19, 2026



Gasolinahan, gas stations

Photo: File



Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ang bilang ng mga gasolinahan na pansamantalang nagsara dahil sa mataas na presyo ng langis bunga ng giyera sa Middle East ay nasa 294 nagtionwide hanggang nitong Abril 18.


Ayon sa PNP, na-monitor nila ang 14,257 gas stations sa buong bansa.


Binanggit din nito na mula Marso 1 hanggang sa kasalukuyan, ang mga awtoridad ay nagsampa ng 27 kaso na may kinalaman sa fuel-related violations, kabilang ang pitong kaso ng hoarding, isang kaso ng profiteering, at 19 na iba pang mga paglabag na sumasaklaw sa ilegal na pag-iimbak, transportasyon, at trading ng mga produktong petrolyo.


Kaugnay nito, sinabi ng PNP na ang isang operasyon na isinagawa noong Abril 17, sa Barangay Santa Ana, Tubay, Agusan del Norte, ay humantong sa pagkakaaresto sa dalawang lalaking suspek dahil sa kanilang pagkakasangkot umano sa oil pilferage na tinatawag na “paihi.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page