25 taon kulong, P100 K multa sa nambato ng sasakyan
- BULGAR

- Dec 2, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | December 2, 2020

Inaprubahan na sa Kongreso ang 3rd at final reading ng House Bill 7838 na naglalayong parusahan ng hanggang 25 taon ang sinumang mahuling nambato ng matitigas na bagay tulad ng bote o bato sa mga sasakyan.
Ayon kay Ilocos Norte 1st District Representative Ria Fariñas, kung walang nasaktan sa insidente, maaari itong parusahan ng 1 taong pagkakakulong at mumultahan ng P10,000 kasama pa ang gastos sa pagpapagawa ng nasirang sasakyan.
Dagdag pa ni Fariñas, kung may nasaktan sa insidente, aabot sa 5 taong pagkakakulong at P15,000 ang multa.
Samantala, kung may namatay sa insidente, maaaring makulong ng 25 taon at mumultahan ng P100,000.
Kabilang sa mga mapapatawan ng parusang nabanggit ang mga naghagis ng bagay na magiging dahilan ng pagkawala ng kontrol sa pagmamaneho o pagkawala ng vision sa kalsada ng driver.








Comments