22 biktima ng human trafficking, balik-'Pinas na
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | June 12, 2026

Photo: DMW
Nakauwi nang ligtas sa bansa ang 22 biktima ng human trafficking mula sa Cambodia matapos mapadali ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang repatriation.
Dumating ang mga biktima sa NAIA Terminal 1 kasama si Department of Migrant Workers Undersecretary Felicitas Q. Bay, lulan ng Philippine Airlines flight PR 2622 mula sa Techo International Airport sa Phnom Penh.
Nagtulung-tulong ang DMW Rapid Response Team sa Cambodia, Migrant Workers Office sa Singapore, at Philippine Embassy sa Phnom Penh.
Nagbigay din ang OWWA ng transportasyon at pansamantalang matutuluyan, habang ang DMW Migrant Workers Protection Bureau at mga miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking ay magbibigay ng legal assistance at suporta upang makabangon muli.





Comments