top of page
Search
  • BULGAR

22-anyos na babae sa Kalibo, Aklan, pinagbabaril

ni Thea Janica Teh | August 31, 2020




Pinagbabaril ng riding in tandem hanggang sa mamatay ang isang 22-anyos na babae sa Kalibo, Aklan noong Biyernes ng gabi.


Ayon kay Police Major Belshazzar Villanoche na hepe ng Kalibo Police, kinilala ang biktima na si Nadine Faith Medina.


Nangyari umano ang aksidente malapit sa Barangay Andagao Elementary School.

Kasama ng biktima ang ina galing sa drug store at pauwi na sana nang mangyari ang insidente. Pinagbabaril ito sa dibdib ng riding in tandem na agad namang ikinamatay ng dalaga.


Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril sa biktima. Naglabas din ang Kalibo Police ng digital sketch sa pagkakakilanlan ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page