top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

20TH ANNIV NI SARAH, INISNAB NG PARENTS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 14, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 14, 2023



Marami ang naiyak sa napaka-touching na tribute ni Sarah Geronimo para sa kanyang mga magulang sa katatapos lamang na soldout 20th anniversary concert niya sa Araneta Coliseum last Friday, May 12.


Nag-viral agad ang video ng nasabing tribute kung saan ay inawit ni Popstar ang kantang Habang May Buhay ni Wency Cornejo na aniya ay para sa kanyang tatay na si Delfin Geronimo. Napakaraming nag-share nito sa social media at halos lahat ay sinasabing napaiyak sila’t hangad nila na magkaayos na si Sarah at ang parents niya.


Bago umawit ay nagbigay muna ng mahabang tribute speech si Sarah for her dad at inalala ang mga nagawa ng kanyang ama for her, gayundin ang mga naituro sa kanya all these years.


“He taught me to work hard. He has trained me. Naalaala ko po, every morning at nine o’clock, bumabangon po kami. Gustung-gusto ko pong bumabangon ng umaga para po mag-ensayo.


"Pinapaakyat niya po ako sa lamesita namin at du’n po ako nagpe-perform, na feeling ko, ‘yun po ang stage ko,” pahayag ni Sarah.


Tinuruan din daw siya ng kanyang Tatay Delfin na maging malakas, matatag, lalung-lalo na sa pagharap sa laban ng buhay.


She ended the speech by saying "Tatay Delfin, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Para sa ‘yo, ‘Tay. I love you, Daddy."


Habang nagpe-perform si Sarah ay nagpa-flash naman sa LED screen ang mga childhood photos niya with her parents.


As the song ended ay nagpahayag si Sarah ng pagmamahal para sa ama’t ina. “I love you, Ma. I love you, Daddy.”


Sayang at wala pa rin nu'ng gabing 'yun ang kanyang mga magulang para sumuporta sa kanya.


Matatandaang nagsimula ang tampuhan sa pagitan ni Sarah at ng kanyang parents nang magpakasal nang lihim si Popstar kay Matteo Guidicelli in 2020.


Since then ay hindi pa sila nagkakaayos pero marami naman ang umaasa na pasasaan ba’t magkakasundo rin sila at mahihilom din ng panahon ang mga sugat sa kanilang puso.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page