top of page

2021 pa raw sinimulan… ALEX, INIP NA INIP NA SA IPINAGAGAWANG BAHAY, PATI SI LORD, KINUKULIT NA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 10, 2025



Photo: Alex Gonzaga - IG


Idinaan na lang sa sayaw ni Alex Gonzaga ang pagkadismaya niya na hanggang ngayon ay hindi pa nila nalilipatan ng asawang si Mikee Morada ang ipinapagawang bahay.


Sa kanyang latest post ay makikita sa video na nagsasayaw ang kapatid ni Toni Gonzaga sa tugtog na Tong, Tong Pakitong-kitong.


“Watch me lose my patience dahil ‘di pa rin ako makalipat-bahay,” ang onscreen caption na nakalagay.


Sa hulihan ng video ay halos nagwawala na si Alex sa pagsasayaw na tila ba nagpapakita rin ng kanyang emosyon ngayon.


Sey niya sa isa pang caption, “Nagbakasyon pa nga ‘yung contractor ko,” with matching crying face emoji.


Taong 2021 pa sinimulang gawin ang bahay ng mag-asawang Alex at Mikee at parati namang ibina-vlog ng content creator ang update sa construction.


Latest vlog update niya ay nu’ng April kung saan ay ipinakita niyang nasa finishing na ang bahay.


Aminado si Alex na talagang inip na inip na siya na matapos ang bahay na sobrang tagal nang ginagawa.


“Kahit kayo, naiinip na, mas lalo ako. Inip na inip na ako, okey? Nagsimula ito, 2021, tapos, ang nangyari was, nagkaroon ng pandemic. ECQ, GCQ, ang daming nangyaring talagang mga delay-delay.


“Tapos ngayon, finishing na, ang daming delay sa mga suppliers,” tsika ni Alex sa vlog.

Kuwento pa niya, lagi na nga raw silang nagmi-meeting ng pamilya niya at dumarating sa puntong nagkakasisihan na sila.


“Lagi kaming may family meeting dito dahil nagkakasisihan, kung sino ba ang nagkulang,” aniya.


Kasingtagal na raw ng pagiging mag-asawa nila ni Mikee ang construction ng bahay.

“Hay, naku, netizens, minsan, naiinis na rin talaga ako kasi napakarami ring beses talaga na sasabihin nilang matatapos na, pero biglang magkaka-delay.


“Mawawalan ng tao, magpe-petiks ‘yung mga tao, mauubusan ng supply or magkakaroon ng delay sa shipping.


“At ‘pag nagpapagawa ka naman daw talaga ng bahay, it’s really out of your control kung kailan magiging maayos lahat and kung kailan matatapos.


“Ang iniisip ko na lang, will siguro ‘to ni Lord – ang ganitong pacing ng tapos ng bahay namin. Kasi nga, God’s timing is perfect. It’s never late but He is never in a hurry,” sabi pa ni Alex.


Hirit pa niya, “Pero Lord, pakonting lambing lang, ano bang ETA (estimated time of arrival) natin? Konting bilis. Salamat.”



TRAILER pa lang, patok na agad sa madla ang upcoming mind-bending horror film ng GMA Pictures na P77 na pagbibidahan ni Barbie Forteza. Sa loob nga lang ng 24-oras, umabot na ito sa mahigit 1 million views across all platforms.


Mapapanood sa 2-minute trailer ang paghahanap ni Luna (Barbie) ng trabaho sa tirahan ni Sonia (Jackie Lou Blanco). Dahil kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya, tinanggap niya ang trabaho kahit pa “delikado” umano sa lugar.


Samantala, ipinarating ng ilang netizens ang kanilang excitement na mapanood ang pelikula.


“Another quality horror movie from GMA Pictures (fire emoji). ‘Yung sigaw ni Barbie, ‘kakakilabot! (screaming face emoji).”


“Parang ang daming layer ng palabas na ‘to! Exciting! (clapping hands emoji).”

“Nakakatindig-balahibo. Dapat may kasama ‘pag nanood nito.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page