top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sulat ng paghingi ng kapatawaran mula sa person deprived of liberty (PDL), maaaring maging ebidensiy

  • Persida Acosta
  • Jun 4, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Ang kapatid ko ay kasalukuyang nakakulong at mayroong nakabinbin na kaso sa korte. Sa huling pag-uusap namin, nabanggit niya na nais niyang sumulat ng kapatawaran sa pamilya ng nagkaso sa kanya. Subalit, hindi siya sigurado kung ano ang maaaring maging resulta kapag ginawa niya. Kung sakaling sumulat siya ng kapatawaran sa pamilya ng naturang biktima, ano ang maaaring maging epekto nito sa kanyang kaso? – Devon

Dear Devon,

Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa ating Revised Rule on Evidence at sa desisyon ng ating Korte Suprema. Nakasaad sa ating Revised Rules on Evidence na ang alok ng kompromiso ng akusado sa kasong kriminal ay maaaring gamiting ebidensiya ng pagkakasala, viz:

“In criminal cases, except those involving quasi-offenses (criminal negligence) or those allowed by law to be compromised, an offer of compromise by the accused may be received in evidence as an implied admission of guilt.”

Kaugnay nito, sinabi ng Korte Suprema sa kasong People vs. Nazareno (G.R. No. 180915, August 9, 2010), sinulat ni Honorable former Associate Justice Jose P. Perez, na ang akto ng pagsulat ng akusado na humihingi ng kapatawaran ay maaaring maikonsiderang alok ng kompromiso, viz:

“First, 14 October 2001, while in detention, appellant wrote a letter to the victim’s brother asking the latter’s forgiveness for the killing of Romeo de Guzman. In a long line of cases, the Supreme Court held that appellant’s act of pleading for forgiveness may be considered as analogous to an attempt to compromise, which in turn, can be received as an implied admission of guilt under Section 27, Rule 130 of the Rules of Court.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, gamit ang nasabing rule at desisyon ng Korte Suprema, nang dahil sa ang pagsulat ng paghingi ng kapatawaran ay maaaring maikonsiderang alok ng kompromiso, ang maaaring maging resulta ng pagsulat ng paghingi ng kapatawaran ng iyong kapatid na nakakulong ay ang pagkakaroon ng ebidensiya na nagpapahiwatig ng kanyang pagkakasala.

Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon dito ay nakabatay lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page