top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas
Search

Dear Chief Acosta,

Ako at ang aking kapatid ay nagmana ng lupa sa probinsiya mula sa aming mga magulang. Dahil sa plano kong magtayo ng maliit na karinderya, naisipan kong ibenta ang aking parte sa lupa upang gamiting pambayad para sa mga gastusin. Ibebenta ko na sana ang kalahati aking lupain ngunit tumututol ang kapatid ko dahil kailangan ko raw munang hingin ang pahintulot niya. Kailangan pa ba talaga ‘yun? – Helsi

Dear Helsi,

Ang co-owner ay mayroong “absolute ownership” sa kanyang parte sa lupa. Mayroon siyang karapatang ito ay ibenta, ibigay o isangla. Ito ay malinaw na nakasaad sa Civil Code of the Philippines:

“Art. 493. Each co-owner shall have the full ownership of his part and of the fruits and benefits pertaining thereto, and he may therefore alienate, assign or mortgage it, and even substitute another person in its enjoyment, except when personal rights are involved. But the effect of the alienation or the mortgage, with respect to the co-owners, shall be limited to the portion which may be allotted to him in the division upon the termination of the co-ownership.”

Ang “co-owner” ay itinuturing na may-ari ng kalahati ng lupain. Samakatwid, walang sinuman ang maaaring humadlang sa kanya upang ibenta ang kanyang “undivided share” sa lupain maging ang kanyang mga kapwa may-ari.

Sa iyong sitwasyon, maaari mong ibenta ang iyong parte sa inyong lupa sa sinumang gustong bumili nito upang gamitin sa pagpapatayo ng maliit na karinderya. Dahil dito, ang taong makabibili ng iyong parte sa lupa ay magiging “co-owner” ng kapatid mo. Malinaw na sa ilalim ng ating batas, walang karapatan ang iyong kapatid upang ipatigil ang plano mo na pagbebenta maliban na lamang kung mayroong “personal rights” na maaaring maapektuhan.

Bukod dito at bilang paglilinaw, nais naming ipagpalagay na wala pang “partition” na naganap sa pagitan ninyong magkapatid sa minanang lupa. Kung ito ang inyong sitwasyon, hindi ninyo muna maibebenta ang tiyak na parte o “definite portion” ng minanang lupa hangga’t walang pang aktuwal na hatian na naganap sa pagitan ninyong magkapatid. Gayunman at ayon na rin sa nabanggit sa itaas, maibebenta n’yo lamang ang inyong “undivided aliquot share” o ‘yung parte sa minanang lupa na mapupunta sa inyo matapos ang partition o “physical adjudication.”

Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon ay nakabatay lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

 
 

Ang kasal ng isang tao na mayroon nang naunang kasal ay itinuturing ng batas na walang bisa. Ang probisyon ng batas na ito ay matatagpuan sa Article 35 ng Family Code kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

“Article 35. The following marriages shall be void from the beginning:

(1) Those contracted by any party below eighteen years of age with the consent of parents or guardians;

(2) Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;

(3) Those solemnized without a license, except those covered by the preceding Chapter;

(4) Those bigamous or polygamous marriages not falling under Article 41;

(5) Those contracted through mistake of one contracting party as to the identity of the other; and

(6) Those subsequent marriage that are void under Article 53.” (Binigyang-diin)

Ang kasal ng isang tao sa dati nang ikinasal ay nabibilang sa pang-ikaapat na uri ng mga kasal na nabanggit sa enumeration sa itaas. Walang bisa ang kasal na ito dahil ito ay itinuturing na bigamous marriage. Sa ganitong pagkakataon ang taong biktima ng ganitong uri ng kasal ay maaaring maghain ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage sa Regional Trial Court na gumaganap bilang Family Court sa lugar kung saan naganap ang nasabing pangalawang kasal o kung saan nakatira ang taong maghahain ng nasabing petisyon sa loob ng anim (6) na buwan o mahigit pa. Kakailanganin lamang ang abogado upang gumawa ng nasabing petisyon.

Nangangahulugang sa petisyon na ito ay hihilingin ng biktima na ideklara ng hukuman na walang bisa ang kaniyang kasal sapagkat ito ay bigamous.

Maaari rin siyang maghain ng kasong kriminal laban sa kaniyang asawa sa ilalim ng Article 349 ng Revised Penal Code kung saan nakasaad na:

“Art. 349. Bigamy. - The penalty of prision mayor shall be imposed upon any person who shall contract a second marriage or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Ayon sa batas, ang kasal ay espesyal na kontrata para sa pagtatag ng pamilya. Dahil dito, maliban sa ang tanging puwede lamang mapagkasunduan ng mag-asawa ay iyong paraan kung papaano nila pangangasiwaan ang kanilang mga ari-arian sa marriage settlement, ang lahat ng insidenteng may kinalaman sa kanilang kasal ay hindi maaaring mapagkasunduan ng mag-asawa, bagkus ay pinapangasiwaan ng batas.

Pinarurusahan ng batas ang sinumang muling magpapakasal habang ang kanyang unang kasal ay hindi pa naidedeklara ng husgado na ito ay walang bisa. Ang tao ay maaari lamang muling magpakasal kapag mayroon ng deklarasyon ang hukuman na ang kasali ay walang bisa o pinawalang bisa ayon sa batas. Maaari ihain ang reklamo sa Office of the City o Provincial Prosecutor sa lugar kung saan naganap ang pangalawang kasal.

 
 

Dear Chief Acosta,

Ako ay OFW na kasalukyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Dahil sa aking pagsisikap ay nakapagpundar ako ng dalawang bahay sa Metro Manila. Kailan lang ay nakapagtapos ang aking pamangkin sa high school at nais ng kapatid ko na mag-aral siya sa Manila. Isa sa aking dalawang bahay na naipundar ay malapit sa kanyang susunod na paaralan. Maaari ko bang ibigay ang bahay at ipangalan ito sa aking paboritong pamangkin? Maraming salamat. - Deo

Dear Deo,

Ang sagot sa inyong katanungan ay opo pero naayon dapat sa batas ang inyong gagawing donasyon. Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na iyong inilahad ay ang Article 725 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

“Article 725. Donation is an act of liberality whereby a person disposes gratuitously of a thing or right in favor of another, who accepts it.

By this definition, you as a donor voluntarily transfers ownership over a property to your intended recipient or donee who in turn accepts the donated property as a donee.

For immovable properties such as the land that you intend to donate to your favorite nephew, the law provides that:

“Article 749. In order that the donation of an immovable may be valid, it must be made in a public document, specifying therein the property donated and the value of the charges which the donee must satisfy.”

The acceptance may be made in the same deed of donation or in a separate public document, but it shall not take effect unless it is done during the lifetime of the donor.

If the acceptance is made in a separate instrument, the donor shall be notified thereof in an authentic form, and this step shall be noted in both instruments.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, para maging legal ang iyong donasyon, ito ay dapat nakasaad sa “public document” o sa kasulatan na notaryado ng notary public at naglalaman ng impormasyon ng bahay na iyong ibibigay kabilang na ang mga kondisyon, kung mayroon man. Kinakailangan din ng iyong pamangkin na siyang pagbibigyan ng lupa na isaad sa hiwalay o parehong dokumento na kanyang tinatanggap ang donasyon na iyong ibibigay. Ang pagtanggap ng iyong pamangkin o donee ay kailangang magawa habang ikaw ay nabubuhay.

Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon dito ay nakabatay lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page