top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Maaari bang tumestigo ang stepson laban sa kanyang stepfather?

Persida Acosta
Jun 2, 2020
2 min read

Dear Chief Acosta,

Nag-away ang nanay ko at ang aking stepfather. Ngayon, ang away nila ay umabot na sa korte kung saan maaari akong tumestigo laban sa stepfather ko. Sabi ng nanay ko, malaking tulong ang aking magiging testimonya. Subalit sabi naman ng stepfather ko, bilang magulang ko ay bawal daw akong tumestigo laban sa kanya. Gusto ko na matapos ito, baka maaari ninyo akong matulungan na maliwanagan kung maaari akong tumestigo? – Alex

Dear Alex,

Ang sagot sa iyong katanungan ay opo. Bagama’t nakalagay sa ating Revised Rule on Evidence na walang tao ang maaaring piliting tumestigo laban sa kanyang magulang, ito ay mayroong kuwalipikasyon at limitasyon. Sa katunayan, mas tinitingnan ito bilang isang pribilehiyo (“filial privilege”) at hindi diskuwalipikasyon, viz:

“Rule 130, Section 25. No person shall be compelled to testify against his or her parents, other direct ascendants, children or other direct descendants, except when such testimony is indispensable in a crime against that person or by one parent against the other.”

Ayon sa nakasaad na probisyon, malinaw na ang nakasulat ay “parent” at hindi stepparent. Sa katunayan, sinabi ng Korte Suprema sa kasong Lee vs. Court of Appeals (G.R. No. 177861, July 13, 2010), sinulat ni Honorable former Associate Justice Roberto Abad, na hindi ito tumutukoy sa stepparent:

“But here Tiu, who invokes the filial privilege, claims that she is the stepmother of petitioner Emma Lee. The privilege cannot apply to them because the rule applies only to "direct" ascendants and descendants, a family tie connected by a common ancestry. A stepdaughter has no common ancestry by her stepmother.” (Binigyang-diin)

Sa iyong kaso, sapagkat ang iyong testimonya ay tungkol at laban sa iyong stepfather, hindi naangkop ang probisyon na naglilimita sa pagtestigo ng anak laban sa kanyang magulang sapagkat muli, ito ay hindi applicable o naaangkop na ipatupad sa isang stepparent tulad ng iyong tito. Samakatwid ay maari kang tumestigo sa korte laban sa iyong stepfather.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page