Ang prescriptive period ng pagsasampa ng kaso na may kaugnayan sa Anti-Violence Against Women and Th
- Persida Acosta
- May 13, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Sinira ng aking ex-boyfriend ang sasakyan ko nang makipaghiwalay ako sa kanya. Maaari ko ba siyang sampahan ng kasong paglabag sa “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” kahit dalawang (2) buwan na ang nakalilipas mula nang sirain niya ito? – Jezreel
Dear Jezreel,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 24 ng Republic Act (R.A.) No. 9262 o mas kilala bilang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” kung saan nakasaad na;
“SECTION 24. Prescriptive Period. – Acts falling under Sections 5(a) to 5(f) shall prescribe in twenty (20) years. Acts falling under Sections 5(g) to 5(I) shall prescribe in ten (10) years.” (Sinalungguhitan para bigyang-diin)
Ang paninira ng gamit ng babae ng kanyang kasalukuyan o dating asawa, kasintahan o karelasyon ay pinarurusahan sa ilalim ng Section 5 (h)(4) ng R.A. No. 9262 kung saan nakasaad na:
“SECTION 5. Acts of Violence Against Women and Their Children. - The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts.
x x x
(h) Engaging in purposeful, knowing, or reckless conduct, personally or through another that alarms or causes substantial emotional or psychological distress to the woman or her child. This shall include, but not be limited to, the following acts:
x x x
(4) Destroying the property and personal belongings or inflicting harm to animals or pets of the woman or her child;” (Sinalungguhitan para bigyang-diin).
Sang-ayon sa mga nabanggit na probisyon ng batas, binibigyan ng hanggang sampung (10) taon ang babae upang magsampa ng kaso laban sa kanyang kasalukuyan o dating asawa, kasintahan o karelasyon, kaugnay sa paninira ng gamit na ginawa nito.
Kaugnay nito, dahil hindi pa nakalalampas ang sampung (10) taon mula ng sirain ng ex-boyfriend mo ang iyong sasakyan ay maaari ka pa ring magsampa ng kaso laban sa kanya.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments