top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Puwedeng magsampa ng kaso kahit hindi pa kilala ang inirereklamo

  • Persida Acosta
  • Mar 7, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, Kamakailan ay umuwi kami sa lumang bahay ng namayapa kong lolo. Nakita naming mayroong nagtayo ng maliit na sari-sari store sa gilid ng kanyang bahay nang wala man lamang paalam. Hindi namin alam kung sino ang nagpatayo nito sapagkat sarado ito nang puntahan namin. Maaari ba kaming magsampa ng kaso laban sa tao o mga taong ito kahit hindi pa namin alam ang pangalan niya/nila? - Mikaela

Dear Mikaela, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay na ng Korte Suprema sa kasong Philippine Charter Insurance Corporation vs. Explorer Maritime Co., Ltd., et al. (G.R. No.175409 – September 7, 2011, Ponente: Honorable former Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro), kung saan sinabi na:

“Section 14, Rule 3 of the Rules of Court provides that whenever the identity or name of a defendant is unknown, he may be sued as the unknown owner, heir, devisee, or by such other designation as the case may require; when his identity or true name is discovered, the pleading must be amended accordingly.” (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit, maaaring kasuhan ang tao kahit ang kanyang pangalan o pagkatao ay hindi alam ng nagrereklamo laban sa kanya. Subalit, matapos na ang kanyang pangalan o katauhan ay malaman, ang mga pleading sa nasabing kaso ay maaaring i-amend o baguhin upang ilagay ang mga kaukulang detalye.

Samakatwid, kahit hindi pa ninyo alam ang pangalan ng tao/mga tao na nagpatayo ng bahay sa lupa ng inyong namayapang lolo ay maaari na ninyong simulan ang kaso laban sa kanya/kanila sa pamamaraang nabanggit sa Section 14, Rule 3 ng ating Revised Rules of Court.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page