top of page
Pokwang.jpg

Japan, kampeon sa Badminton Asia Manila Team Championships

A. Servinio
Feb 17, 2020
1 min read

Matagumpay na na­natili sa Japan ang kam­peonato ng Smart Badmin­ton Asia Manila Team Cham­pionships 2020 Women’s Division matapos walisin ang Timog Korea, 3-0, Ling­go ng umaga sa Rizal Me­morial Coliseum.

Kahit wa­lang naipanalo ang mga Ko­reana, naging mahigpitan ang palitan ng dalawang koponan at inabot ng halos tatlong oras para ma­tapos ang tatlong laban.

Inabot ng tatlong set ang panalo ni World #3 Akane Yamaguchi kay #9 An Se Young, 21-18, 19-21 at 23-21. Tumagal ang laban ng isang oras at 23 minuto. Ki­nuha ng mga Haponesa ang doubles sa likod nina Yuki Fukushima at Sayaka Hirota kontra kay Seo Hee Lee at Shin Seung Chan, 21-16 at 21-16. Sinigurado ni Sayaka Takahashi ang tie sa pangala­wang singles matapos pigilin si Sung Ji Hyun, 21-16 at 21-12.

Ito ang pangalawang sunod na korona sa BATC ng Japan. Tinalo nila ang Tsi­na, 3-0, sa nakaraang edisyon noong 2018 sa Malaysia. Pa­sok na rin ang Japan, Timog Korea at mga semifinalist na Malaysia at Thailand sa pres­tihiyosong Uber Cup nga­yong Mayo sa Denmark. Dito malalaman ang kam­peon ng mundo sa Women’s Team Badminton kung saan defen­ding champion din ang mga Haponesa.

Samantala, ang defending champion Indonesia at Ma­laysia ang nakatakdang mag­harap para sa kampeonato ng kalalakihan habang isinu­sulat ito.

Sasariwain ng dala­wang koponan ang kanilang laban para sa gintong me­dalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games kung saan nagwagi ang mga Indones, 3-1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page