top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

20 yrs. na Kapamilya… BOY, BALIK-GMA-7, INAABANGAN NA

BULGAR
Jun 17, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 17, 2022




Bagama't wala pang malinaw na negosasyon at bali-balita pa lang, marami na ang excited at nag-aabang sa pagbabalik ng King of Talk na si Boy Abunda sa GMA Network.


Sa Kapuso unang nagtrabaho bilang talk show host si Abunda. Pero, lumipat siya sa ABS-CBN kung saan more than 20 years siyang namalagi.


Nagkaroon siya ng maraming shows sa Dos. At nang magsara na ang ABS-CBN, pinili ni Boy na mamalagi bilang Kapamilya artist.


Pero, inamin ni Abunda na may mga offers sa kanya mula sa GMA-7 at TV5. Pero, wala pa siyang final decision kung alin sa mga offers ang kanyang tatanggapin.


May mga nag-a-advise kay Abunda na tanggapin ang offer ng GMA Network dahil dito naman siya unang nabigyan ng show. Ang Kapuso Network ang nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang talk show host. Tiyak naman na malaking show ang ibibigay kay Abunda sa kanyang pagbabalik sa GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page