top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

20 Hamas, nagtago sa Nasser ospital, inaresto

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 17, 2024




Naaresto ang mahigit 20 na Hamas sa Nasser Hosptial sa Khan Younis, Gaza ng Israeli Defense Forces.


Ito ay matapos na lusubin ng Israel ang nasabing ospital na naging sanhi ng pagkamatay ng limang pasyenteng nawalan ng oxygen supply dahil sa pagkawala ng kuryente.


Sinasabing nagtago ang mga Hamas sa Nasser upang gawing panangga ang mga pasyente at hindi sila makita ng Israel.


Agad namang nakipag-ugnayan ang World Health Organization (WHO) sa United Nations at Israel upang mapasok nila ang Nasser Hospital.


Nagpahayag ang WHO spokesperson na si Tarik Jasarevic ng pag-aalala sa ginawang paglusob ng Israel Forces sa loob ng ospital.


Mabilisang tulong naman ang kinakailangan ng mga pasyente, sibilyan, at maging health workers na nakaladkad sa nangyaring pagsalakay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page