top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

20-anyos, sinakal ng pamangkin, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
37 minutes ago
1 min read

ni BRT @News | September 18, 2026



19 years old sinakal ang tiyahin na 20 years old, patay - Calamba City Police Station

Photo: Calamba City Police Station



Patay ang isang 20-anyos na babae matapos sakalin ng kanyang edad 19 na pamangkin na napikon umano sa kanilang pagtatalo sa Calamba, Laguna.


Ayon sa pulisya, galing eskwelahan, nakipag-bonding umano ang biktima sa suspek sa isang mall bago sila umuwi sa bahay ng lolo ng suspek.


Kalaunan, umalis ang pamangkin at iniwan sa kuwarto ang kanyang tiyahin na nagpapahinga umano.


Hanggang sa nakita ng lolo ng suspek ang missing person post sa social media, kaya agad siyang tumawag sa kapatid ng biktima.


Linggo ng gabi nang matuklasang wala nang buhay ang biktima.

Isinuko naman ang suspek sa pulisya ng kanyang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page