2 yrs. nagpagamot sa Europe at New York… DRA. BELO, IBINULGAR ANG STAGE 3 BREAST CANCER
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 9, 2022

Ibinunyag ng sikat na celebrity dermatologist na si Vicki Belo na-diagnose siya ng breast cancer 6 years ago at nasa stage 3 na ito.
Sa kanyang panayam kay Korina Sanchez sa bagong show nito sa Net25 na Korina Interviews, sa kauna-unahang pagkakataon ay ikinuwento ng celebrity doctor ang mabigat na pinagdaanan niya noong 2016.
“This is the first time I’m going to discuss it and only because I trust you and I think it’s over,” simulang kuwento niya kay Korina. “I had cancer in 2016 and I was diagnosed with third stage cancer of the breast.”
Nagpunta raw siya ng Europe at New York para magpagamot kaya nawala siya nang halos dalawang taon.
Pagdating niya sa Europe ay sinabihan daw siya ng mga doktor doon na malapit na siyang mamatay.
“I was diagnosed, I think, January of the year (2016), and then, I went to Europe and I was told by them there that I was going to die. (They said) ‘Don’t bother to have chemo. Just fix your affairs, you’re dead in two years,'” she said.
Kaya nagtungo raw siya sa New York at doon ay sinabihan naman siya ng mga doktor na “We’ll try our best.”
Sinubukan niya pa ring magpagamot at sumailalim sa chemotherapy. Pero habang nagpapagamot daw siya ay napakarami ring nangyari sa kanyang buhay kabilang na ang pagpanaw ng kanyang ina at pagpapakasal ng anak niyang si Cristalle.
Sa madaling salita ay nalampasan ni Korina ang dalawang taong taning sa kanya and she’s better now.
Ayon kay Korina, of course, isa sa malaking dahilan ng kanyang will to survive ay ang anak nila ni Hayden Kho na si Scarlet Snow.
“I want to be with her. I don’t wanna leave her so young. I kept praying, ‘Lord, please give me time,’” emosyonal na sabi ni Dra. Vicki Belo.





Comments