top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2 veteran players, idinagdag ng HD Spikers at Chargers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | January 11, 2023



Mas lalong pinalinaw at pinalakas ng Cignal HD Spikers ang pagsagap sa paghahanap ng kampeonato nang idagdag sa koponan sina spiker Toni Rose Basas at playmaker Gyzelle Sy, habang dalawang dating Adamson Lady Falcons veterans sa katauhan nina Shiela Marie “Bangs” Pineda at Christine Joy “Eli” Soyud ang magpapaliwanag sa Akari Power Chargers sa nalalapit na pagbubukas ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa susunod na buwan.


Lumipat ng ibang linya ang dating FEU Lady Tamaraws opposite hitter mula sa PLDT High Speed Hitters upang muling samahan ang dating coach na si Shaq Delos Santos, gayundin ang playmaker na si Sy na huling naglaro sa Imus City AJAA Lady Spiker sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League at sa Chery Tiggo Crossovers.


Nauna nang hindi na-renew ang kontrata ng anim na manlalaro ng HD Spikers na sina Angeli Araneta, Ayel Estranero, Marist Layug, Joy Dacoron, Arianne Layug at Klarisa Abriam. Naging malaking tulong ang 29-anyos na dating UP Lady Maroons wing spiker na si Araneta para sa koponan sa 2022 season para magwagi ng back-to-back bronze medal sa Open at Invitational Conference at second place sa Reinforced.



Makakasama nina Basas at Sy sa Cignal ang mga kapwa Lady Tamaraws na sina Gel Cayuna, Jerrilli Malabanan at Rachel Ann Daquis, habang parte rin nito sina Ces Molina, Claudine Troncoso, Angela Dionela, Jacqueline Acuna, Roselyn Doria, Fatima General at Marivic Meneses.


Inihayag ni Akari Sports Director Russell Balbacal ang pagpapapirma sa dalawang Adamson alumnis upang bigyan ang beteranong manlalaro ng batang koponan na ginagabayan ni national head coach at Brazilian Olympic champion Jorge Edson Souza De Brito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page