top of page
Search
  • BULGAR

2 TV network pinadalhan ng bomba, journalist nadale

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 23, 2023




Sugatan ang isang journalist sa pagsabog ng bomba sa Ecuador.


Ayon sa mga awtoridad, hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang suspek na nagpadala ng sulat na may lamang bomba sa dalawang news television network.


Nakilala ang journalist na si Lenin Artieda, matapos niyang isaksak sa computer ang device na kanyang natanggap.


Base sa national head ng forensic na si Xavier Chango, isang uri ng military-type explosives capsules ang bomba na natanggap ng biktima.


Na-detonate naman ng mga kapulisan ang isang bomba na ipinadala sa news department ng TC Television.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page